Mahigit 7,000 na hindi nagagamit na mga baril winasak ng PNP

Mahigit 7,000 na hindi nagagamit na mga baril winasak ng PNP

Nagsagawa ng symbolic demilitarization ang Philippine National Police (PNP) sa mahigit 7,000 baril na itinuturing nang Beyond Economical Repair (BER) o hindi na pwedeng gamitin.

Isinagawa ang seremonya sa PNP Grandstand, Transformation Oval sa Camp Crame, Quezon City.

Pinangunahan ni PNP Chief, Police General Debold M. Sinas ang pagwasak sa 6,338 units na B-E-R na pawang nakumpiska, isinuko, at nai-turnover sa PNP Property Firearms (CCSDAF-TPPF).

Kasama ding sinira ang 1,033 units B-E-R PNP Firearms.

Sa ilalim ng PNP Memorandum Circular No. 2017-017, isasailalim sa pagwasak ang mga armas kung ito ay hindi na makukumpuni gaya na lamang kung ito ay “unsaleable” na at maaring maging delikado pa kung hindi sisirain.

Ang Demilitarization Process ay kinapapalooban ng pagpuputul-putol sa mga baril gamit ang circular saw o blowtorch, pagbali sa mga ito, pag-deform gamit ang martilyo grinder o iba pang power tools, at pagputul-putol sa wooden parts at stamp aluminum parts nito.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *