Mga hotel na ginagamit na quarantine facilities inatasan ng DOT na tiyaking may nakahandang Halal foods
Pinatitiyak ng Department of Tourism (DOT) ang pagkakaroon ng Halal foods sa mga hotel na ginagamit bilang quarantine facilities.
Sa inilabas na abiso ng DOT-NCR, kinikilala ng ahensya ang kontribusyon ng mga hotel sa hakbang ng gobyerno sa pandemya ng COVID-19.
Gayunman, hindi dapat ipagsawalang bahala ang ilang mga problema gaya ng pagsisilbi ng non-Halal food sa Muslim guests.
Dahil dito, inatasan ng DOT-NCR ang mga hotel sa Metro Manila na nagsisilbing isolation at quarantine facilities na siguraduhing may naibibigay na Halal food sa kanilang Muslim guests na returning OFs at returning OFWs sa lahat ng oras.