Bahagi ng Barangay 95 sa Caloocan City isinailalim sa Extreme Enchanced Community Quarantine

Bahagi ng Barangay 95 sa Caloocan City isinailalim sa Extreme Enchanced Community Quarantine

Isinailalim sa Extreme Enchanced Community Quarantine ang Barrio Pacita, Barangay 95 sa Caloocan City.

Ang lockdown ay nagsimulang umiral alas 12:01ng madaling ng April 26, 2021 (Lunes) at tatagal hanggang alas 11:59 ng gabi ng May 2, 2021 (Linggo).

Batay sa Executive Order No. 025-2021 ni Caloocan Mayor Oscar “Oca” Malapitan, ang pitong araw na lockdown ay matapos makapagtala ang City Health Department ng 87 na kaso ng COVID-19 sa lugar mula noong Marso 11, 2021.

Sa buong panahon ng lockdown, mahigpit na pagbabawalan ang mga residente na lumabas ng kanilang mga tahanan at tanging mga medical at health care frontliners, mga essential government employees, mga pulis, mga opisyales ng barangay at mga indibidwal na nangangailangan ng atensyong medikal lamang ang papayagang lumabas.

Magsasagawa din ng mass swab testing at contact tracing sa mga residente kasabay ng malakawang misting at disinfecting operations sa lugar.

Tiniyak din ng alkalde na mamamahagi ng grocery packs ang Pamahalaang Lungsod ng Caloocan sa mga apektadong residente.

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *