Tatlong flood control projects sa Samar natapos na ng DPWH

Tatlong flood control projects sa Samar natapos na ng DPWH

Tatlong flood control projects ang nakumpleto na ng Department of Public Works and Highways (DPWH)- Samar First District Engineering Office.

Ang nasabing mga proyekto ay pinaglaanan ng P79.3 million na pondo sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA) of 2020.

Ang isa sa mga flood control structure ay sa kahabaan ng Malaga River sa Barangay Malaga. May taas itong tatlong metro at 155 meters ang haba.

Nagtayo din ng three-meter height na flood control structure sa Barangay Mancol sa Sapinit River na ang haba ay 228 lineal meters.

Habang ang isa pa ay sa kahabaan ng Hamonini River sa Barangay Pilar na ang haba ay 233 meters at mayroong walkway.

Dahil sa nasabing mga proyekto ay maiiwasan na ang mabilis na pagbaha sa mga residente sa tatlong barangay na naninirahan sa tabing-ilog.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *