Community PanTree ng DENR muling magbubukas sa Martes at Huwebes
Muling magbubukas ang Communty PanTree ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) – NCR.
Ayon sa abiso ng DENR-NCR, mamimigay muli ng libreng fruit-bearing at vegetable seedlings sa April 27 at 29, 2021.
Bukas ito mula alas 9:00 ng umaga hanggang alas 12:00 ng tanghali sa DENR-NCR Technical Services compound, North Avenue, Diliman, Quezon City.
Pinapayuhan ang mga magtutungo na sumunod sa minimum public health protocols.
Bawat recipient ay maaring makakuha ng hanggang limang fruit-bearing tree seedlings at sampung vegetable seedlings.