Community Pantry organizers sa Metro Manila pinagpapaalam muna sa mga LGU para masiguro ang pagsunod sa COVID-19 protocols

Community Pantry organizers sa Metro Manila pinagpapaalam muna sa mga LGU para masiguro ang pagsunod sa COVID-19 protocols

Kinakailangang magpaalam muna sa mga local government units ang mga organizer na nais magtayo ng Community Pantry sa Metro Manila.

Sa inilabas na resolusyon ng Metro Manila Council, hinihinakayat ang mga organizer na makipag-coordinate sa nakasasakop na LGU kapag nais nilang magtayo ng Community Pantry.

Ayon sa resolusyon na pirmado ng mga Metro Mayor, layunin nitong matiyak ang pagsunod sa health and safety protocols sa mga itatayong Community Pantry.

Ayon sa MMC, ito ay para hindi masayang ang sakripisyo na inilaan sa kasagsagan ng pagpapairal ng enhanced community quarantine at modified enhanced community quarantine.

Sa nasabing mga petsa kasi ay ay nakapagtala ng pagbaba sa kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *