Estrella-Pantaleon Bridge, 88 percent nang kumpleto
Nasa 88 percent na ang completion rate ng Estrella-Pantaleon Bridge Project.
Sinabi ni Public Works and Highways Secretary Mark A. Villar na ang China-aided Estrella-Pantaleon Bridge Project ay nasa wrap-up stage na.
“Even with the challenges brought about by the pandemic, the project to date is 88 percent complete and we now wrapping up the construction of the expanded Estrella-Pantaleon Bridge,” ayon kay Villar.
Inaasahang makapagpapaluwag ng traffic sa Metro Manila ang 506 meter na Estrella-Pantaleon Bridge na magkukunekta sa Estrella, Makati City at Barangka Drive sa Mandaluyong.
Sa sandaling makumpleto na ang Estrella-Pantaleon Bridge mayroon na itong apat na linya mula sa dating dalawang linya lamang.
Inaasahan ding maseserbisyuhan nito ang 50,000 na sasakyan kada araw.