Sec. Delfin Lorenzana, COVID-free na
Negatibo na sa COVID-19 si Defense Sec. Delfin Lorenazna.
Sa kaniyang social media account ibinahagi ng kalihim ang kaniyang mga larawan habang nag-eehersisyo.
Ayon kay Lorenzana, sa edad niyang 72 mahagala ang pagkakaroon ng self-discipline.
Nakatulong aniya sa kaniyang recovery ang pagmementena niya sa kaniyang physiacl at mental health.
Sinabi ni Lorenzana na ang ehersisyo ay maituturing na pinakamabisang gamot.
Magugunitang noong April 7 ay sinabi ni Sec. Lorenzana na nagpositibo siya sa COVID-19.