DOH nakapagtala ng mahigit 8,000 na bagong kaso ng COVID-19; mahigit 13,000 ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling
Nakapagtala ng mahigit 8,000 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Biyernes, April 23, 979,740 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa magdamag, umabot sa 8,719 ang dagdag na mga kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 860,412 ang gumaling o katumbas ng 87.8 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 13,412 na gumaling.
102,799 naman ang active cases o katumbas ng 10.5 percent.
16,529 na ang kabuuang death toll sa bansa o 1.69 percent makaraang makapagtala ng dagdag na 159 pang pumanaw.