DOLE target makapagsimula ng pagbabakuna sa mga essential worker sa Labor Day
Target ng Department of Health (DOH) na makapagsimula na ng pagbabakuna sa mga manggagawa sa essential industries sa Mayo a-uno, Labor Day.
Ang mga essential worker ay bahagi ng A4 priority sa vaccination program ng pamahalaan.
Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III kung mayroong sapat na bakuna na darating sa bansa bago ang May 1, nais nilang mag-umpisa ng rollout ng COVID-19 vaccine sa mga manggagawa sa nasabing petsa.
Sinabi ni Bello na nabanggit sa kaniya ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na maaaring makapagsimula ng vaccination sa mga essential worker sa Labor Day.
Hindi naman pa tiyak kung gaano karaming doses ng bakuna ang mailalaan agad para sa mga manggagawa.
Ang mga nagtatrabaho sa essential sectors ay bahagi na ng A4 priority group.
Sa ngayon, nasa A1, A2 at A3 priority group ang bansa sa proseso ng pagbabakuna.