DOH nagbabala sa mga nagbebenta ng overpriced na Remdesivir

DOH nagbabala sa mga nagbebenta ng overpriced na Remdesivir

Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa mga nagbebenta ng overpriced na Remdesivir.

Ang Remdesivir ay isang investigational drug para sa COVID-19 na bago magamit o maibigay sa pasyente ay kinakailangan munang mabigyan ng compassionate use permit ng Food and Drug Administration.

Ayon sa DOH, ang 100mg vial ng Remdesivir ay dapat nasa P1,500 ang pinakamababang halaga at P8,200 ang piakamataas.

Sa mga mayroong reklamo tungkol sa overpricing sa Remdesivir maaring magpadala ng email sa pddrugpricemonitoring@gmail.com

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *