Typhoon Bising bahagyang humina, papalayo na sa landmass ng bansa
Humina pa ang Typhoon Bising habang ito ay kumikilos papalayo sa landmass ng Pilipinas.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 715 kilometers East Northeast ng Basco, Batanes o sa layong 715 kilometers East Northeast ng Itbayat, Batanes.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 25 kilometers bawat sa direksyong Northeast.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 150 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong 150 kilometers bawat oras.
Ayon sa PAGASA, sa Sabado ng gabi o Linggo ng umaga ay inaasahang lalabas ng bansa ang bagyo.