Gov. Jonvic Remulla kay Mayor Isko Moreno: Hindi ka pa nga pangulo ang yabang mo na
Idinaan ni Cavite Gov. Jonvic Remulla ang pagpapahayag nito ng galit kay Manila Mayor Isko Moreno.
Binanggit ni Remulla ang pahayag ni Moreno sa isang panayam kung saan binanatan ng alkakde si Naic, Cavite Gov. Jun Dualan bunsod ng hindi umano pagbibigay ng SAP sa ilang residente ng Naic na dating mga informal settlers sa Maynila at na-relocate sa Cavite.
Sa mahabang Facebook post, ipinagtanggol ni Remulla si Dualan at sinabing hindi sapat ang pondo mula sa national government para mabigyan ang lahat ng pamilyang apektado sa Naic.
Ibinatay din ang listahan ng bibigya g ayuda sa 2015 census, kaya ayon kay Remulla, hindi pa kasama doon ang 1,092 na relocatees galing Maynila dahil 2019 lamang sila lumipat sa Naic.
Ibig sabihin, ang pondo ng ayuda para sa 1,092 na pamilyang galing Maynila ay nasa Manila City Government ayon kay Remulla.
Binanggit ni Remulla ang ambisyon ni Moreno na maging pangulo ng bansa pero ayon sa gobernador, huwag naman sana nitong “tapakan ang iba para amang umangat”.
“Hindi ka pa nga pangulo, ang yabang mo na. Hirap na hirap na nga kami dito, kami pa ang ginawa mong rason dahil sa pagka-atat mong sumikat. Sana, pag-aralan mo muna ang suliranin bago ka magpuputak ng walang kwenta. Kung pagpapasikat lang ang gusto mo? Hindi mo kailangan mang-apak ng CaviteƱo,” ayon kay Remulla.