SP Sotto sa NTF-ELCAC: Panatilihin ang pondo, tanggalin ang madaldal
Tutol si Senate President Tito Sotto na tanggalan ng pondo ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Ayon kay Sotto, kung tuluyang aalisan ng pondo ang NTF-ELCAC ay babalik ang terorismo sa 37 lalawigan sa bansa.
Sa halip na tanggalan ng pondo sinabi ni Sotto na dapat ay ang “madadaldal” sa Task Force ang alisin.
Magugunitang naging kontrobersyal ang pahayag ni NTF-ELCAC Spokesperson Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. sa mga nasa likod ng community pantry.
Inihaluntulad kasi ni Parlade kay Satanas ang mga ito na umano ay sa simula ay nagbigay ng mansanas kay Eva.