Skyway Stage 3 mananatiling libre sa mga motorista – SMC
Mananatiling libre sa mga motorista ang paggamit ng Skyway Stage 3.
Ayon kay San Miguel Corporation Pres. Ramon S. Ang hangga’t kayang pasanin ng SMC ang gastusin ay mananatili muna itong libre sa mga motorista.
Si Ang kasama si DPWH Sec Mark Villar ay nagsagawa ng inspeksyon sa Skyway Stage 3 Nagtahan off ramp.
Pormal na kasing binuksan ang southbound at northbound exits ng Nagtahan.
Magugunitang nagbukas ang Skyway Stage 3 project noong Jan. 14.