Pangulong Duterte kakatawanin ni Sec. Locsin sa gaganaping ASEAN Leaders’ Meeting sa sa Jakarta, Indonesia

Pangulong Duterte kakatawanin ni Sec. Locsin sa gaganaping ASEAN Leaders’ Meeting sa sa Jakarta, Indonesia

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr. na kumatawan sa kaniya sa gaganaping ASEAN Leaders’ Meeting sa sa Jakarta, Indonesia sa April 24.

Sa pahayag ng DFA, nakasaad na suportado ng pamahalaan ang pag-convene ng pulong kahit hindi mabubuo ang attendance ng ASEAN Leaders.

Inaasahang matatalakay sa special Leaders’ Meeting ang mga mahahalagang usapin sa rehiyon kabilang ang recovery efforts sa COVID-19, sitwasyon sa Myanmar, ASEAN community building efforts, external relations at regional at international issues.

Sa pamamagitan ni Locsin, ipababatid ni Pangulong Duterte ang commitment ng bansa sa nangkakaisang hakbang ng ASEAN para tugunan ang mga banta at hamon sa peace at stability sa rehiyon.

Nagpasya si Pangulong Duterte na manatili sa Pilipinas at tugunan ang mahahalagang domestic concerns bunsod na rin ng tumataas na kaso ng COVID-19 sa bansa.

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *