NTF-ELCAC gustong patanggalan ng pondo ng ilang senador dahil sa red-tagging
Dismayado ang mga senador sa pagbanat ni National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Spokesperson Lieutenant General Antonio Parlade Jr. sa maga nag-oorganisa ng community pantry.
Kasunod ito ng paghalintulad ni Parlade sa mga community pantry organizers kay Satanas.
Ayon kay Senator Nancy Binay, titiyakin ng Senado na dadaan sa mahigpit na pagbusisi ang budget ng NTF-ELCAC.
Tinawag din ni Binay na hindi maganda ang ginagawang red-tagging at baseless ang intel ng NTF-ELCAC.
Nais naman ni Senator Joel Villanueva na tanggalan ng pondol ang NTF-ELCAC sa susunod na budget ng pamahlaaan.
Aniya, sayang lang ang pera ng taong bayan sa paglalaan ng pondo sa naturang Task Force.
Mas mainam aniya na i-reallocate ang P19B budget ng NTF-ELCAC sa pamamahagi ng ayuda sa mamamayan.
Pinayuhan naman ni Senator Richard Gordon si Parlade na bumalik sa military sa halip na magsagawa ng pangha-harass sa mga indbidwal at patuloy na mag-red tag.
Ayon kay Gordon, ang laki-laki ng pondo NTF-ELCAC pero ginagamit ito sa pagred-tag sa mga tumutulong.