Typhoon Bising humina pa; Signal No. 1 nakataas sa Batanes at ilang bahagi ng Cagayan at Isabela
Napanatili ng Typhoon Bising ang lakas nito habang nananatili sa Philippine Sea.
Huling namataan ang bagyo sa layong 350 kilometers East ng Calayan, Cagayan.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 150 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 185 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 10 kilometers bawat oras sa direksyong pa-hilaga.
Nakataas pa rin ang tropical cyclone wind signal number 1 sa sumusunod na mga lugar:
– Batanes
– eastern portion ngf Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Lal-Lo, Gattaran, Baggao, PeƱablanca, Camalaniugan, Buguey, Aparri, Santa Teresita, Alcala, Amulung, Iguig, Tuguegarao City) kabilang ang Babuyan Islands
– northeastern portion ng Isabela (San Pablo, Maconacon, Divilacan, Palanan)
Ayon sa PAGASA, hihina pa ang bagyo at magiging severe tropical storm na lang bukas.
Sa susunod na 24 na oras, ang northeasterly wind flow na pinalalakas ng bagyo ay magdudulot ng malakas na hangin sa Ilocos Region, Apayao, Abra, at western portion ng Cagayan.