Local at Regional Vaccination Operations Center pinaalalahanang sundin ang priority list sa pagbabakuna
Inatasan ng National Task Force COVID-19 ang mga regional at local Vaccination Operations Center na istriktong sundin ang priority list sa pagbabakuna.
Ayon sa National COVID-19 Vaccination Operations Center o NVOC, ang mga bakunang available sa ngayon ay para muna sa mga A1 (Workers in Frontline Health Services), A2 (Senior Citizens) at A3 (persons with Co-morbidities).
Ayon nga sa NVOC, hindi pa sapat ang kasalukuyang bakuna na mayroon ang bansa para mabakunahan ang lahat ng nasa A1, A2, at A3.
Ibig sabihin hindi pa dapat nagbabakuna ang mga RVOC at LVOC sa mga nasa A4 priority list.
Paalala ng NVOC, sundin ang Prioritization Framework sa pagpapatupad ng COVID-19 vaccination program.