4 patay, 11 sugatan sa pagsabog sa Pakistan
Apat na katao ang nasawi sa car bomb na naganap sa parking area ng isang luxury hotel sa Quetta, Pakistan.
Maliban sa 4 na nasawi ay mayroon pang 11 nasugatan.
Nananatili sa naturang hotel ang ambassador ng China nang mangyari ang pagsabog pero ayon sa Provincial Home Minister sa Pakistan, ligtas naman ang Chinese envoy.
Inako na ng Pakistan Taliban ang responsibilidad sa pagpapasabog.
Ayon sa Taliban isang suicide attack ang isinagawa, kung saan ang kanilang bomber ay nagpasabog ng sasakyan na puno ng explosive materials.