Rehabilitasyon sa bahagi ng Santiago-Tuguegarao Road malapit nang makumpleto ayon sa DPWH

Rehabilitasyon sa bahagi ng Santiago-Tuguegarao Road malapit nang makumpleto ayon sa DPWH

Nalalapit nang matapos ang rehabilitasyon ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Santiago-Tuguegarao Road.

Inaasahang makikinabang dito ang mga biyahero sa bahagi ng Sta. Maria, Isabela.

Ayon sa DPWH Isabela First District Engineering Office (DPWH-IFDEO) malapit nang makumpleto ang rehabilitasyon at upgrading ng nasirang kalsada sa kahabaan ng Santiago-Tuguegarao road.

Nagsimula ang proyekto noong December 2020 na kinapapalooban ng reblocking sa 3.055 lane kilometers.

Sa sandaling matapos ang reblocking ay inaasahan ang mas maginhawang pagbiyahe ng mga produkto at serbisyo sa Sta. Maria, Isabela.

Naglaan ng P20-million sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA) 2020 para sa nasabing proyekto.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *