Hindi nagagamit na classroom sa DLSU-College of St. Benilde ginawang isolation facility ng Red Cross
Ginawang isolation facility ng Philippine Red Cross (PRC) ang hindi nagagamit na classroom sa DLSU-College of St. Benilde.
Ang nasabing pasilidad ay maaring tumanggap ng mga asymptomatic Covid-positive individuals mula sa mga referral ng Manila CESU.
Ayon kay Red Cross chairman at Senator Richard Gordon, ang bawat pasyente ay bibigyan ng “quarantine kit”, may araw-araw na supply ng pagkain, at may access sa Telemedicine kung kailanganin nilang makausap ang mga doctor.
Mayroon ding nurses sa pasilidad upang masigurong may magmo-monitor sa mga pasyente.
Pinasalamatan ni Gordon si Br. Armin Luistro sa pakikipagtulungan sa Red Cross.