DENR magtatayo ng Community Pan-TREE
Bilang pagdiriwang sa Earth Day 2021 magtatayo ng Community Pan-TREE ang Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Ayon sa DENR, layunin din nitong matulungan ang mga residente ng Metro Manila na makaahon sa stress na dulot ng pandemya ng COVID-19 sa pamamagitan ng urban gardening at pagtatanim.
Ayon sa DENR-NCR, ang Community Pan-TREE ay inspired sa laganap na community pantries sa iba’t ibang panig ng bansa.
Mamimigay ang DENR-NCR ng seedlings ng mga fruit-bearing trees at mga gulay.
Hinihikayat din ang mga pribadong indbidwal at grupo na mag-donate ng mga halaman para sa proyekto.
Sinabi pa ng DENR-NCR na makatutulong ang Community Pan-TREE para matugunan ang isyu ng f food security at problema sa climate change.
Ang Community Pan-Tree ay bukas simula sa Huwebes (April 22) alas 9:00 AM hanggang 3:00 PM sa DENR-NCR Technical Services Office sa North Avenue, Diliman, Quezon City.
Sa mga nais na kumuha ng seedlings, pinapayuhang magdala ng sariling paso o recycled plastic containers at sumunod sa pinaiiral na public health protocols.