Typhoon Bising bahagyang bumagal; signal no. 1 nakataas sa pitong lugar sa bansa
Bahagyang bumagal ang kilos ng Typhoon Bising na ngayon ay nasa silangang bahagi ng mainland Cagayan.
Huling namataan ang bagyo sa layong 360 kilometers East ng Tuguegarao City, Cagayan.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 175 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aaabot sa 215 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong northwest sa bilis na 10 kilometers bawat oras.
Nakataas ang tropical cyclone wind signal number 1 sa sumusunod na mga lugar:
– Batanes
– Cagayan kabilang ang Babuyan Islands
– eastern portion ng Apayao (Luna, Santa Marcela, Flora, Pudtol)
– eastern portion ng Kalinga (Pinukpuk, Rizal)
– eastern portion ng Isabela (Ilagan, San Mariano, Palanan, Divilacan, Maconacon, San Pablo, Cabagan, Tumauini, Santa Maria, Delfin Albano, Santo Tomas, Quezon, Quirino, Gamu, Naguilian, Benito Soliven, Reina Mercedes, Mallig, Burgos, Roxas, Cauayan City, Luna, San Manuel, Cabatuan, Aurora, Dinapigue, San Mateo, Alicia, Angadanan, San Guillermo, Echague, Jones, San Agustin, San Isidro)
– northeastern portion ng Quirino (Maddela)
– northern portion ng Aurora (Casiguran, Dilasag)
Ayon sa PAGASA, hihina pa ang bagyo sa susunod na mga araw.
Maari ding maibaba ito sa severe tropical storm category sa Sabado at tropical storm category sa Linggo.