LOOK: Mahigit 1,000 crew ng isang Norwegian vessel nakababa ng barko matapos sumailalim sa quarantine at swab test

LOOK: Mahigit 1,000 crew ng isang Norwegian vessel nakababa ng barko matapos sumailalim sa quarantine at swab test

Inasistihan ng mga tauhan ng Maritime Industry Authority (MARINA), Philippine Ports Authority (PPA), at ng Philippine Coast Guard (PCG), ang 1,078 repatriated crew members ng MV “Norweigan Encore”.

Ang MV “Norwegian Encore”, na pag-aari ng Norwegian Cruise Line ay dumating sa bansa noong April 11, 2021 sakay ang 1,078 na repatriated seafarers. Sa nasabing bilang, 1,058 ay pawang Filipino crew at 20 ang foreign crew members.

Lahat ng crew ay agad isinailalim sa profiling ng Bureau of Quarantine (BOQ), mandatory quarantine at testing protocols.

Nabigyan din ng clearance ang barko para gamitin itong quarantine facility ng mga crew sa ilalim ng mahigpit na pag-monitor ng BOQ.

Ginawa ang swab testing sa loob ng barko ng mga tauhan ng PCG, First Aide Diagnostics Laboratory, at BOQ noong Apirl 19.

Makalipas ang 24 na oras ay agad nai-release ang resulta ng testing at kanilang quarantine certificates.

Araw ng Miyerkules (April 21) ay isinagawa ang disembarkation proper para sa 1,078 na crew ng barko sa Pier 15.

Ang mga Filipino crew na negatibo ang resulta ng COVID-19 at mayroong quarantine certificates ay makauuwi na sa kanilang mga probinsya at doon itutuloy ang quarantine requirements na itinatakda ng kanilang Local Government Units (LGUs).

Samantala, ang 20 foreign seafarers ay dinala naman sa airport para sa kanilang pagbiyahe pauwi sa kanilang bansa.

Mayroon namang 59 na servicing crew ng barko ang dinala sa designated quarantine facilities para umpisahan ang kanilang quarantine.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *