Mga employer pinaalalahanang sumunod sa safety protocols; libreng face masks sa mahihirap muling ipinanawagan ni Sen. Go

Mga employer pinaalalahanang sumunod sa safety protocols; libreng face masks sa mahihirap muling ipinanawagan ni Sen. Go

Kasunod ng unti-unting pagbubukas ng ekonomiya ng bansa hinikayat ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga employer na magpatupad ng alternatibong work arrangements at istriktong ipatupad ang health and safety protocols sa workplaces.

Ito ay para mahinto ang paglaganap ng COVID-19 sa mga workplace.

Hinikayat ni Go na siya ring chairperson ng and Senate Committee on Health ang mga employer sa public at private sectors na bumuo ng alituntunin na makatutugon sa minimum health standards at tutugon sa pangangailangan ng kanilang mga empleyado.

“We must live with the realities of the pandemic. Crucial sa new normal ang pagkakaroon ng sapat na safeguards laban sa sakit sa pang-araw araw nating pamumuhay,” ayon kay Go.

Paalala ni Go, mahalagang nasusunod ang social distancing, palagiang paghuhugas ng kamay, at pagsusuot ng masks at face shields sa lahat ng oras.

Kasabay nito, muling umapela si Go sa pamahalaan na mamahagi ng libreng face masks lalo na sa mga mahihirap na mamamayan. 4

Nakalulungkot ayon kay Go na dagdag pasanin sa mga mahihirap ang pagbili ng face mask, gayung halos wala na nga silang maipambili ng makakain.

“Inoobliga natin silang magsuot ng face masks kahit halos wala na nga silang pambili ng pagkain. Uunahin siyempre nila ang bumili ng pagkain kaysa bumili ng mask. Para naman mabuhay, kailangan nilang bumalik sa trabaho pero hindi sila makakapagtrabaho nang maayos kung hindi sila protektado. Kaya dapat lang na bigyan natin sila ng libreng masks,” ayon kay Go.

Iniutos na noon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibigay ng libreng face masks sa vulnerable sectors kabilang ang mga senior citizens, mga buntis, mayroong special health conditions, at mga benepisyaryo ng Social Amelioration Program (SAP) at Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Ayon sa datos ng Department of Trade and Industry, hanggang noong April 15, 2021, nakapaggawa na at nakapamahago na ng mahigit 30.8 million na libreng reusable masks sa publiko.

Mayroon pang 16.2 million ang kasalukuyang nasa ilalim ng produksyon, procurement, post-qualification o delivery processes.

Mayroong 13.7 million face masks ang naipamigay sa mga SAP at 4Ps beneficiaries sa National Capital Region, Region IV-A, Region VII, Region VI, Region XI, at Region III.

Umapela din si Go sa publiko na tangkilikin ang ang lokal na industriya lalo na ang mga lokal na mananahi at suppliers ng raw materials para sa face masks.

Hinimok ng senador ang DTI at ang Technical Education and Skills Development Authority na suportahan at magsagawa ng pagsasanay sa mga local manufacturer para sa paggawa ng standard masks.

“Government must prioritize buying locally-made masks to save jobs, and provide it to those who cannot afford to buy their own masks to help save lives. If we continue to strengthen the local production of masks, we will be providing livelihood for those who lost their jobs and at the same time, we can protect our countrymen from COVID-19,” dagdag pa ni Go.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *