Bahagi ng isang barangay sa Caloocan isinailalim sa lockdown
Isinailalim sa lockdown ang ilang bahagi ng Barangay 35 sa Caloocan City dahil sa mataas na bilang ng mga COVID-19 cases.
Pansamantalang isinara ang Block 6, Sawata, Area 2, sa Maypajo simula 12:01 ng madaling araw ng Miyerkules, April 21 hanggang 11:59 ng gabi ng Martes, April 27.
Ayon kay Caloocan Mayor Oca Malapitan, layunin nito na mapigilan ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa lugar.
Habang umiiral ang lockdown, lilimitahan ang paglabas at pagpasok sa ilang bahagi ng Barangay 35.
Sinabi ni Malapitan na magsasagawa ng disinfecting operations, malawakang contact tracing at mass swab testing upang agad na maihiwalay ang mga pinaghihinalaang kaso ng COVID-19 sa publiko.
Sa kasalukuyan, nakapagtala ng kabuuang 38 na aktibong kaso sa Barangay 35.