Community Pantries hindi kailangan ng permit – Año

Community Pantries hindi kailangan ng permit – Año

Nilinaw ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na hindi kinakailangan na kumuha ng permit mula sa lokal na pamahalaan ang mga nagpaplanong magtayo ng Community Pantry.

Ayon kay Año, ang kailangan lamang gawin ay makipag-coordinate ang mga organizer sa kani-kanilang local governments.

Inatasan din ni Año ang pulisya at LGU officials na huwag panghimasukan ang community pantries na inorganisa ng mga pribadong indbidwal.

Una nang sinabi ni DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño na dapat ang mga itinatayong pantries ay may permit pmula sa LGU dahil sa banta ng COVID-19.

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *