Sa gitna ng isyu ng red tagging, QC Mayor Belmonte tiniyak ang seguridad ng mga organizer ng community pantry

Sa gitna ng isyu ng red tagging, QC Mayor Belmonte tiniyak ang seguridad ng mga organizer ng community pantry

Tiniyak ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang seguridad ng mga organizer ng community pantry.

Ayon kay Belmonte, suportado ng Quezon City government ang hakbang ni Ana Patricia Non at ng iba pang indbidwal na nasa likod ng community pantry.

Sinabi ni Belmonte na ang naturang inisyatiba ay pagpapakita ng espiritu ng bayanihan.

Dahil dito, sinisiguro aniya ng city government ang kaligtasan ng mga organizer at ng mga nakikinabang dito.

Ilang araw na rin aniyang nagbabantay ang mga tauhan ng Task Force Disiplina at barangay leaders sa Maginhawa Community Pantry para matiyak ang kaayusan.

Tumutulong aniya ang mga opisyal para masiguro na kontrolado ang mga tao lalo ngayong may pandemya.

Sinabi ni Belmonte na nakausap na niya si Non tungkol sa pangamba nito sa seguridad.

Hiniling na ni Belmonte kay QCPD District Director Brig. Gen. Antonio Yarra na magsagawa ng imbestigasyon sa usapin.

Kakausapin din ni Belmonte si QCPD Station 9 Commander Lt. Col. Imelda Reyes na siyang nakakasakop sa Maginhawa area.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *