Typhoon Bising napanatili ang lakas; signal no. 2 nakataas sa ilang bahagi ng Cagayan, Isabela at sa lalawigan ng Catanduanes
Napanatili ng Typhoon Bising ang lakas nito habang tinatahak ang silangang bahagi ng Quezon.
Huling namataan ang bagyo sa layong 475 kilometers kilometers East ng Infanta, Quezon.
Mabagal ang kilos nito sa direksyong north northwest.
Nakataas ang tropical cyclone wind signal no. 2 sa sumusunod na mga lugar:
•LUZON:
– eastern portion ng Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Baggao, Gattaran, Lal-Lo, Peñablanca, Santa Teresita, Buguey, Camalaniugan, Aparri)
– eastern portion ng Isabela (San Pablo, Maconacon, Divilacan, Ilagan, Palanan), at Catanduanes
Tropical cyclone wind signal no. 1 naman ang nakataas sa sumusunod na mga lugar:
•LUZON:
– Batanes
– nalalabing bahagi ng Cagayan kabilang ang Babuyan Islands
– nalalabing bahagi ng Isabela
– Quirino
– Apayao
– eastern portion ng Kalinga (Pinukpuk, Rizal, Tabuk City)
– eastern portion ng Mountain Province (Paracelis,Natonin)
– eastern portion ng Ifugao (Aguinaldo, Alfonso Lista)
– northern portion ng Aurora (Baler, Dipaculao, Dinalungan, Casiguran, Dilasag)
– eastern portion ng Quezon (Calauag, Guinayangan, Tagkawayan) kabilang ang Polillo Islands
– Camarines Norte
– Camarines Sur
– Albay
– Sorsogon
•VISAYAS:
– Northern Samar
– northern portion ng Samar (Matuguinao)
– northern portion ng Eastern Samar (Jipapad, Arteche, San Policarpo, Oras)
Ngayong araw, April 20 makararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan sa Catanduanes.
Light to moderate at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa eastern portion ng Quezon, Camarines Provinces, Sorsogon, Albay, at Northern Samar.