Mahigit 68,000 katao inilikas sa Regions V at VIII dahil sa Typhoon Bising
Umabot sa mahigit 18,000 na pamilya o katumbas ng mahigit 68,000 na katao ang inilikas dahil sa pananalasa ng Typhoon Bising.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, ang mga inilikas na pamilya ay mula sa Regions 5 at 8.
Isinagawa ang pre-emptive evacuation sa mga pamilya lalo na sa mga naninirahan sa coastal areas at mabababang lugar.
Umabot sa 22 barangays ang naitala ng NDRRMC na nakaranas ng pagbaha sa Region 8.
Habang dalawang kalsada at isang tulay ang kinailangang isara dahil sa baha o landslide.
Nakapagala naman ng 17 biyahe ng mga barko na kinansela sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyo.