Ilang bahagi ng Eastern Visayas wala pa ding suplay ng kuryente
Patuloy pa ang ginagawang pagkukumpuni ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa kanilang mga linya sa Eastern Visayas na naapektuhan ng Typhoon Bising.
Ayon sa NGCP, as of 1:00PM ng Lunes (April 19) may mga bahagi pa din ng Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Leyte at Southern Leyte ang walang suplay ng kuryente.
Sinabi ng NGCP na nakakalat na ang kanilang mga line crew at nagsasagawa ng ground patrols para magsagawa ng inspeksyon at assessment sa naging pinsala ng bagyo sa mga pasilidad.
Simultaneous din ang isinasagawang restoration activities sa mga apektadong lugar.
Narito ang mga transmission line na nananatiling hindi available:
Nasaug- San Isidro 69kV line
Date/Time Out: 18 April 2021, 17:37AM
Date/Time Restored: 19 April 2021, 10:48AM (partially energized)
Customer affected: SOLECO
Palanas Cara – Catarman – Allen – Lao-ang 69kV Line
Date/Time Out: 18 April 2021, 4:53PM
Customer affected: NORSAMELCO, SAMELCO I
Calbayog-Bliss 69kV Line
Date/Time Out: 18 April 2021, 11:17PM
Customer affected: SAMELCO I
Paranas-Quinapondan 69kV Line
Date/Time Out: 18 April 2021, 11:28AM
Customer affected: ESAMELCO
Babatngon-Arado 69kV Line
Date/Time Out: 18 April 2021, 5:34PM
Customer affected: LEYECO II