Pamahalaan at pribadong sektor may ginagawa nang hakbang upang maging “Vaccine Self-Reliant” ang Pilipinas
Pinapurihan ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga ginagawang hakbang ng pamahalaan at pribadong sektor upang makagawa ng sariling mga bakuna ang bansa.
Ayon sa senador kung tuluyang mapaghuhusay ang kakayahan ng mga local manufacturer ay hindi na aasa ang bansa sa international market para sa bakuna at iba pang mga gamot.
Sinabi ni Go na napapanahon na para pag-aralan upang maging self-reliant ang bansa sa ganitong aspeto.
“Napakalaki po ng potensyal ng ating bansa na mag-produce ng sarili nating mga gamot at bakuna laban sa samu’t saring mga sakit. Napapanahon na po upang pag-aralan natin kung papaano tayo magiging self-reliant pagdating sa aspetong ito,” ayon kay Go.
Sinabi ni Go na siya ring chairman ng Senate Committee on Health ang inisyatibong ito ay hindi lang makatutulong para mapaigting ang local vaccine supply, kundi maaring makatulong din na maitaas ang produksyon ng bakuna sa world market balang-araw.
Welcome development din ayon kay Go ang aktibong partisipasyon at pagpapakita ng interest ng iba’t ibang pharmaceutical company para locally ay makalikha ng COVID-19 vaccines.
Noong nakaraang buwan ng Marso, sinabi ni Department of Trade and Industry Secretary Ramon Lopez na ang Board of Investments ay nakikipag-usap na sa mga kumpanya sa bansa na handang subukan ang paglikha ng COVID-19 vaccines.
Sa pulong ni Pangulong Rodrigo Duterte on kay Department of Science and Technology Secretary Fortunato de la Peña kamakailan, inilahad din na nakikipag-usap na ang gobyerno sa mga potensyal na local vaccine manufacturer.
Sa nasabing pulong, inilahad din ng DTI ang mga ginagawa nitong hakbang para makamit ng bansa ang “vaccine self-reliance”.
“Bagama’t mid- to long-term solution ito sa ating hangarin na magkaroon ng sapat na supply ng ligtas at epektibong bakuna sa bansa, maging bukas ang ating isipan at suportahan natin ang mga ganitong inisyatibo,” ayon pa sa senador.
Ayon kay Go, walang nakakaalam kung ano ang maari pangm aidulot ng problema Sa COVID-19 sa susunod na mga buwan.
Maari din aniyang makaranas pa ng ibang pandemya ang bansa o ang mundo sa iba pang mga taon kaya mas mabuting maging proactive at handa.
Kasabay nito iginiit ni Go ang kahalagaan na madaliin ang public-private partnerships sa paglikha ng bakuna.
Hinimok ni Go ang mga ahensya ng pamahalaan na suportahan ang inisyatibang ito.
“Mas magiging matagumpay ito kung magtutulungan ang gobyerno at ang pribadong sektor. We need to always adopt a whole-of nation approach to overcome these challenges,” ayon kay Go.
Kasama din aniya dapat sa magiging long term -goal ng gobyerno ang pagtatayo ng virology institute.
“It is for this reason that I recently echoed President Duterte’s call to establish a virology institute that will capacitate the country to conduct scientific research initiatives on preventing and treating various viruses and diseases,” sinabi pa ni Go.
Layunin nito ayon kay Go na maiwasang maulit pa ang kasalukuyang sitwasyon kung saan ang mahihirap na mga bansa ay mas mababa ang suplay ng bakuna na nakukuha.
Ayon kay Go ang panukalang virology institute ang siyang magsasagawa ng premier research at development institute sa field of virology sa bansa.
Kabilang sa aaralin ay an lahat ng area ng viruses at viral diseases sa mga tao, halaman at hayop.
Naglaan na aniya ang gobyerno ng P50 million sa ilalim ng 2021 General Appropriations Act para sa engineering design ng virology institute na plaong itayo sa New Clark City sa Capas, Tarlac.
Kabilang ito sa mga proyekto ng gobyerno sa ilalim ng Build! Build! Build! infrastructure program.