Typhoon Bising napanatili ang lakas, nagdudulot ng pag-ulan sa Bicol Region, at Eastern Visayas

Typhoon Bising napanatili ang lakas, nagdudulot ng pag-ulan sa Bicol Region, at Eastern Visayas

Napanatili ng Typhoon Bising ang lakas nito habang mabagal na kumikilos sa bahagi ng Philippine Sea.

Sa 11AM weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 235 km East Northeast ng Virac, Catanduanes o sa layong 360 km East ng Daet, Camarines Norte

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 195 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 240 kilometers bawat oras.

Muling bumagal ang kilos ng bagyo sa direksyong North Northwest.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 2 sa sumusunod na mga lugar:

• LUZON:
Catanduanes, the eastern portion of Camarines Sur (Garchitorena, Presentacion, Caramoan, Sagnay, San Jose, Lagonoy), the eastern portion of Albay (Tiwi, Malinao, Tabaco City, Malilipot, Santo Domingo, Bacacay, Rapu-Rapu, Legazpi City, Manito), and the eastern and central portions of Sorsogon (Castilla, Sorsogon City, Prieto Diaz, Gubat, Barcelona, Casiguran, Juban, Magallanes, Bulan, Bulusan, Irosin, Santa Magdalena, Matnog)

• VISAYAS:
Northern Samar, Samar, Eastern Samar, and Biliran

Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 naman ang nakataas sa sumusunod na mga lugar:

• LUZON:
The southeastern portion of Cagayan (Baggao, Peñablanca), the eastern portion of Isabela (San Pablo, Maconacon, Tumauini, Divilacan, Ilagan City, Palanan, San Mariano, Dinapigue, San Guillermo, Echague, Benito Soliven, Cabagan, Gamu, Naguilian, Reina Mercedes, Angadanan, Cauayan City, Jones, San Agustin), the northeastern portion of Quirino (Aglipay, Maddela), the northern portion of Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan), the eastern portion of Quezon (Calauag, Guinayangan, Tagkawayan, Buenavista, San Narciso, San Andres) including Polillo Islands, Camarines Norte, the rest of Camarines Sur, the rest of Albay, the rest of Sorsogon, and Masbate including Burias and Ticao Islands

• VISAYAS:
Leyte, Southern Leyte, and the northern portion of Cebu (Tabogon, Borbon, San Remigio, Bogo City, Medellin, Daanbantayan) including Bantayan and Camotes Islands

• MINDANAO:
Dinagat Islands, Siargao Islands, and Bucas Grande Islands

Ngayong araw ayon sa PAGASA, nagdudulot ang bagyo ng katamtaman hanggang sa malakas at kung minsan ay matinding pag-ulan sa Bicol Region, Northern Samar, Samar, Eastern Samar, Biliran at bahagi ng Leyte.

Bukas, April 20, magpapaulan pa rin ito sa Bicol Region at Northern Samar, gayundin sa northern portion ng Aurora at sa eastern portions ng mainland Cagayan at Isabela.

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *