Dating NHCP Executive Director Ludovico Badoy pumanaw matapos tamaan ng COVID-19
Pumanaw na si dating National Historical Commission of the Philippines (NHCP) Executive Director Ludovico Badoy.
Sa pahayag na inilabas ng NHCP, pumanaw si Badoy araw ng Linggo (April 18) dahil sa acute respiratory failure na komplikasyon ng pagkakaroon niya ng COVID-19.
Si Badoy ay nagsilbi bilang executive director ng NHCP simula December 2002 at nagretiro ito noong 2019.
Nagpaabot naman ng pakikiramay ang NHCP sa mga naulila ni Badoy.
Nagluluksa din ngayon ang buong NHCP sa pagpanaw ng dati nilang opisyal.