Heavy rainfall warning itinaas ng PAGASA sa ilang bahagi ng Eastern Visayas

Heavy rainfall warning itinaas ng PAGASA sa ilang bahagi ng Eastern Visayas

Maraming lalawigan pa rin sa Eastern Visayas ang nakararanas ng pag-ulan dahil sa Typhoon Bising.

Sa inilabas na heavy rainfall warning ng PAGASA alas 8:00 ng umaga ngayong Lunes (April 19), orange warning level ang nakataas na sa Eastern Samar at sa Samar.

Yellow warning level naman ang nakataas sa Leyte at Biliran Island.

Babala ng PAGASA maari nang makaranas ng pagbaha sa mabababang lugar at pagguho ng lupa sa bulubunduking lugar.

Pinayuhan din ang mga residente at ang local disaster risk reduction and management council na mag-antabay sa mga susunod na abiso ng PAGASA sa lagay ng panahon.

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *