351 South Africa variant, 266 UK variant,at 25 PH variant na-detect sa mga sample na isinailalim sa sequencing nitong nakalipas na linggo

351 South Africa variant, 266 UK variant,at 25 PH variant na-detect sa mga sample na isinailalim sa sequencing nitong nakalipas na linggo

Mayroong 351 na B.1.351 South Africa) variant cases na na-detect ang Department of Health, UP0PGC at UP NIH sa isinagawang sequencing sa mga sample noong nakaraang linggo.

Ayon sa ulat mula sa DOH, maliban sa variant mula South Africa, mayroon ding 266 na B.1.1.7 (UK variant) at 25 na P.1 (Philippine variant) na na-detec mula sa 752 samples na isinailalim sa sequencing.

Sa kabuuan ayon sa DOH, umabot na sa 658 ang total UK variant cases ng COVID-19 na na-detect sa bansa.

Sa nasabing bilang, 54 ang aktibong kaso, 204 ang gumaling na at 8 ang pumanaw.

Mayroon namang 695 na total South Africa variant cases ng COVID-19 na na-detect sa bansa.

Sa naturang bilang, 54 ang aktibong kaso, 293 ang gumaling na at 4 ang pumanaw.

Habang 148 naman ang kabuuang bilang ng PH variant cases, kung saan, 1 ang aktibong kaso, at 24 ang gumaling na.

Nananatili namang 2 ang bilang ng Brazil variant ng COVID-19 na na-detect sa bansa.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *