Typhoon Bising lumakas at bumilis pa; Signal No. 2 nakataas sa 4 na lugar sa bansa
Bahagya pang lumakas at bumilis ang kilos ng Typhoon Bising.
Huling namataan ang bagyo sa layong 460 kilometers East ng Guiuan, Eastern Samar.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 195 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 240 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 25 kilometers bawat oras sa direksyong West Northwest.
Nakataas na ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa sumusunod na mga lugar:
LUZON:
• Catanduanes
VISAYAS:
• Northern Samar
• Eastern Samar
• Samar
Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 naman ang nakataas sa sumusunod na mga lugar:
LUZON:
• Sorsogon
• Albay
• eastern portion ng Camarines Sur (Calabanga, Naga City, Pili, Bula, Bombon, Magarao, Canaman, Gainza, Camaligan, Milaor, Minalabac, Tinambac, Siruma, Lagonoy, Goa, Tigaon, Ocampo, Baao, Iriga City, Nabua, Balatan, Bato, Buhi, Sagnay, San Jose, Garchitorena, Presentacion, Caramoan, San Fernando)
• eastern portion ng Masbate (Baleno, Masbate City, Mobo, Uson, Dimasalang, Palanas, Cataingan, Pio V. Corpuz) kabilang ang Ticao Island
VISAYAS:
• Biliran
• Leyte
• Southern Leyte
• Camotes Islands
MINDANAO:
• Dinagat Islands
• Surigao del Norte (kabilang ang Siargao at Bucas Grande Islands)
• Surigao del Sur
Ayon sa PAGASA, bukas (April 18) ang Typhoon Bising ay maghahatid ng katamtaman hanggang sa malakas at kung minsan ay matinding buhos ng ulan sa Eastern Visayas, Bicol Region, at sa southern portion ng Quezon.
Sa Lunes, (April 19), magdudulot ang bagyo ng katamtaman hanggang sa malakas at kung minsan ay matinding buhos ng ulan sa Northern Samar, Bicol Region, at sa southern portion ng Quezon.