Inagurasyon ng LRT-2 East Extension ngayon buwan ipinagpaliban
Dahil sa epekto ng pandemya ng COVID-19 ipinagpaliban muna ang nakatakdang inagurasyon sa LRT-2 East Extension na dapat ay isasagawa sa April 26.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr) ang pormal na inagurasyon sa LRT-2 East Extension Project ay isasagawa na lamang sa June 23 2021.
Sinabi ng DOTr na sa April 26 ay magsasagawa pa rin naman ng operational trial run sa nasabing proyekto.
Ayon kay DOTr Undersecretary for Railways TJ Batan, layon ng pagpapaliban ng inagurasyon na maprotektahan ang health and safety ng mga rail worker at ng riding public.
Maliban dito ang mga dayuhang rail experts na kinakailagan para sa final stages of installation, testing, at commissioning works ng proyekto ay hindi makapasok sa bansa dahil sa mas pinahigpit na travel restrictions ng pamahalaan sa mga dayuhang biyahero.
Hanggang noong February 28, 2021 ay nasa 96.51 percent na ang overall progress rate ng LRT-2 East Extension Project.
Sa ilalim ng proyekto, idaragdag ang Marikina Station at Antipolo Station sa LRT-2.