DOH nakapagtala ng mahigit 10,000 na bagong kaso ng COVID-19 cases; 145 pa ang nasawi
Nakapagtala ng mahigit 10,000 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health araw ng Biyernes April 16, 914,971 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa magdamag, umabot sa 10,726 ang dagdag na mga kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 705,757 ang gumaling o katumbas ng 77.1 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 650 na gumaling.
193,476 naman ang active cases o katumbas ng 21.1 percent.
15,738 na ang kabuuang death toll sa bansa o 1.72 percent makaraang makapagtala ng dagdag na 145 pang pumanaw.