Pilipinas hirap makapag-secure ng bakuna kontra COVID-19

Pilipinas hirap makapag-secure ng bakuna kontra COVID-19

Inamin ng Food and Drug Administration (FDA) na hirap ang bansa na makapag-secure ng sapat na COVID-19 vaccines para sa buong populasyon.

Sinabi ni FDA director-general Eric Domingo na pinag-aaralan pa nila ang mga aplikasyon para sa emergency use ng bakuna na dinivelop ng Bharat Biotech ng India at Janssen Pharmaceuticals na naka-base sa Belgium.

Idinagdag pa ni Domingo na bagaman matagal nang nagpaparamdam ang US-based company na Moderna ay hindi pa ito nagsusumite ng EUA application sa FDA.

Sa datos mula sa Department of Health, as of April 13, 1.2 million doses na ang naibakuna sa mga Filipino simula nang umpisahan ng pamahalaan ang vaccination program noong March 1./ L.Soriano

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *