DOH may panawagan sa mga mamamahayag na naglalabas ng “maling impormasyon” tungkol sa COVID-19 vaccine
Nanawagan ang Department of Health at ang Department of Science and Technology sa mga mamamahayag kaugnay sa patuloy na pagsasapubliko ng mga maling impormasyon tungkol sa COVID-19 vaccines.
Ayon sa pahayag, ang DOH at ang DOST ay Vaccine Expert Panel ay sumusunod sa itinatakda ng siyensya sa pag-aaral sa kaligtasan at apgiging epektibo ng mga bakuna.
Taliwas ito sa inilalahad sa ilang media institutions na mayroong iisang brand ng bakuna na pino-promote ang VEP.
Sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Singh-Vergeire, sa ganitong panahon krusyal ang pagkakaroon ng malinaw at epektibong komunikasyon.
Palagian din aniyang sinasabi ng DOH at ng DOST na lahat ng bakuna ay ligtas at epektibo at kayang magbigay ng proteksyon sa severe form ng COVID-19 at kung magpapakuna ay maaring maiwasan ang pagkakaospital dahil sa sakit.
Dahil dito, nagpaalala ang DOH sa mga media na maging maingat sa pag-uulat at paglalabas ng mga impormasyon na maaring maging “misleading” o magdulot ng kalituhan sa publiko.