BREAKING: Bagyong Bising lumakas pa at nasa typhoon category na – PAGASA

BREAKING: Bagyong Bising lumakas pa at nasa typhoon category na – PAGASA

Lalo pang lumakas ang Bagyong Bising at ngayon ay nasa typhoon category na.

Sa 11AM weather bulletin ng PAGASA ang sentro ng bagyo ay hulig namataan sa layong, 960 kilometers East ng Surigao City, Surigao del Norte.

Kumikilos ito sa bilis na 15 kilometers sa direksyong west northwest.

Taglay na ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 130 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 160 kilometers bawat oras.

Sa susunod na tatlong araw, sinabi ng PAGASA na maaring lumakas pa ang bagyo.

Ayo sa PAGASA, wala pang direktang epekto ang bagyo saanmang panig ng bansa.

Pero simula sa Linggo, magdudulot na ito ng malakas na hangin at malakas na pag-ulan sa bahagi ng Eastern Visayas at Bicol Region.

Mamayang gabi ay magtataas na ng Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 ang PAGASA sa ilang bahagi ng Northern Sama at Eastern Samar.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *