FDA inirekomenda sa DOH na ituloy ang paggamit ng AstraZeneca vaccine sa bansa

FDA inirekomenda sa DOH na ituloy ang paggamit ng AstraZeneca vaccine sa bansa

Inirekomenda ng Food and Drug Administration (FDA) kay Health Sec. Francisco Duque III ang pagpapatuloy ng paggamit ng AstraZeneca COVID-19 vaccine sa bansa.

Kasunod ito ng pagsasagawa ng review sa AstraZeneca ng mga vaccine expert dahil sa ilang insidente ng blood clot sa ibang bansa.

Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, sumulat na siya kay Duque at iginiit na higit na mas malaki ang benepisyo na makukuha sa pagpapabakuna kaysa sa banta sa paggamit nito.

Noong nakaraang linggo ay sinuspinde pansamantala ng FDA ang paggamit ng AstraZeneca vaccine sa mga edad na mas mababa sa 60.

Kasunod ito ng mga ulat ng pagkakaroon ng rare blood clots sa ibang bansa.

Ayon kay Domingo, ang World Health Organization, Philippine Vaccine Expert Panel, at ang adverse events committee ay “unanimous” sa naging pasya na ituloy ang paggamit ng AstraZeneca vaccine.

Sinabi ni Domingo na dito sa Pilipinas ay wala ding naitalang kaparehong kaso insidente ng pagkakaroon ng blod clot ang adverse events committee.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *