Enlisted personnel ng Coast Guard iniimbestigahan sa pagkakasangkot sa investment scam
Iniimbestigahan ng Philippine Coast Guard ang isang enlisted personnel na nito na umano ay sangkot sa investment scam.
Inatasan ni PCG Commandant, Admiral George V. Ursabia Jr. si Coast Guard Inspector General, Rear Admiral Christopher T, Villacorte na madaliin ang ang proseso ng imbestigasyon para agad mapanagot ang nasa likod ng scam.
Ayon kay PCG Spokesperson, Commodore Armando A. Balilo, ang enlisted personnel ay sinibak na sa kaniyang pwesto habang isinasagawa ang immbestigasyon.
Anim ang naghain ng reklamo laban sa opisyal at may hawak na ding mga ebidensya ang coast guard.
Partikular na nagreklamo ay ang mga miyembro ng PCG Task Force Bayanihan Returning Overseas Filipinos (BROF).
Paalala ni Balilo hindi lang sa mga tauhan ng Coast Guard na iwasan ang pagsali sa mga pyramiding scheme.
Ito ay hindi lang para maprotektahan ang kanilang sarili kundi para maprotektahan ang kanilang public image.