779 medical frontliners sa Maynila tumanggap na ng 2nd dose ng COVID-19 vaccine
Batay sa pinakahuling datos ng Manila Health Department ngayong araw, ika-15 ng Abril ay umabot na sa 779 medical frontliners (A1.1-A1.7 group) ang nakatanggap ng kanilang second dose ng bakuna kontra COVID-19.
Ngayong araw ay nagpapatuloy ang second dose vaccination sa Palacio de Maynila para sa mga indibidwal na kabilang sa A1.1-A1.7 na nakatanggap ng kanilang unang dose sa pagitan ng March 2 hanggang March 18.
Sa mga nakapagpre-register na, pinapaalalahanan na dalhin ang waiver form o QR code sa vaccination site para sa verification.
Kung hindi pa nakakapag-register ay maaring bisitahin angĀ http://www.manilacovid19vaccine.ph