174 na volcanic earthquakes naitala sa Bulkang Taal
Sa nakalipas na 24 na oras ay muling nakapagtala ng pagtaas ng aktibidad sa Bulkang Taal.
Ayon sa Phivolcs nakapagtala ng 174 na volcanic earthquakes at kabilang dito ang 120 na episodes ng volcanic tremor na ang tagal ay umabot ng 19 hanggang 53 minuto.
Nakapagtala din ng mahinang pagbuga ng steam-laden plumes sa Main Crater ng bulkan na ang taas ay umabot sa 5 metro.
Noong Lunes, April 12, ang sulfur dioxide emission mula sa bulkan ay umabot sa 1,886 tonnes per day ang average.
Magugunitang noong March 9 ay itinaas ng PHIVOLCS ang Alert Level 2 (Increased Unrest) sa Taal Volcano.
Paalala ng PHIVOLCS, sa ilalim ng Alert Level 2, maaring magkaroon ng biglaang steam-driven o phreatic explosions, volcanic earthquakes, minor ashfall, at expulsions ng volcanic gas.
Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa Taal Volcano Island, Permanent Danger Zone sa bisinidad ng Main Crater at sa Daang Kastila fissure.