Bagyong may international name na “Surigae” lumakas pa
Lumakas pa ang binabantayang bagyo ng PAGASA na nasa labas pa ng bansa.
Ang bagyo na mayroong international name na “Surigae” ay huling namataan sa layong 1,140 kilometers east ng Mindanao.
Taglay ng abgyo ang lakas ng hanging aabot sa 85 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 105 kilometers per hour.
Nananatili pa ring mabagal ang kilos ng bagyo.
Ayon sa PAGASA ang trough o buntot ng bagyo ay nakaaapekto na sa ilang bahagi ng bansa.
Sa magiging lagay ng panahon ngayong araw sinabi ng PAGASA na ang Metro Manila at ang nalalabi pang bahagi ng bansa ay makararanas lamang ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin dahil sa localized thunderstorms at trough ng bagyo.