Anim na kaso ng blood clots na naitala sa US matapos mabakunahan ng COVID-19 vaccine ng Johnson & Johnson iniimbestigahan na
Isinasailalim na sa review ng US health advisory panel ang napaulatna anim na kaso ng rare blood clots sa mga babaeng nabakunahan ng COVID-19 vaccine ng Johnson & Johnson.
Habang ginagawa ito ay inihinto na muna ang paggamit ng bakuna ng Johnson & Johnson.
Ang anim na kaso ng blood clots ay naitala sa mga babaeng mas mababa sa 50 ang edad.
Sa 7.2 million doses ng J&J vaccine na naiturok na, 6 lamang ang naitalang kaso ng pagkakaroon ng blood clots na ayon sa risk federal health officials at immunology experts sa US ay maituturing na “extremely low”.
Isa sa anim na babaeng nakaranas ng blood clot ang pumanaw, habang tatlo pa ang nasa ospita;.
Ang J&J COVID-19 vaccines ay aprubado na ng World Health Organization para sa emergency use.