Bagyo sa labas ng bansa lumakas pa; maaring umabot sa Typhoon category ayon sa PAGASA
Bahagya pang lumakas ang binabantayang bagyo ng PAGASA sa labas ng bansa.
Huling namataan ng PAGASA ang Tropical Storm na mayroong international name na “Surigae” sa layong 1,205 kilometers east ng Mindanao.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 90 kilometers bawat oras.
Ayon sa PAGASA halos hindi kumikilos ang bagyo.
Inaasahang papasok ito sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Biyernes (16 April).
Ayon sa PAGASA, maari pang lumakas ang bagyo at maging severe tropical storm sa susunod na 24 na oras.
Pero sa Biyernes sa pagpasok nito sa bansa ay maaring nasa typhoon category na ito.
Papangalanang “Bising” ang bagyo pagpasok ng PAR.